Kapag ang "Information" ay nai-file na ng Prosecutor sa korte, papasok na ang Judge para sa Judicial Determination of Probable Cause. Dito tinitingnan ni Judge kung kailangan ba talagang arestuhin ang akusado o kung sapat na ang ebidensya para ituloy ang kaso.
Heto ang iyong CrimPro Hacks para sa stage na ito:
🔍 Hack #1: Personal Evaluation ng Judge
Hindi porket sinabi ng Prosecutor na mukhang "guilty" ang tao, maniniwala na si Judge.
- The Process: Dapat i-evaluate ni Judge nang personally ang resolution ng Prosecutor at ang mga supporting documents.
- The Options: Sa loob ng 10 days mula sa filing ng Information, pwedeng gawin ni Judge ang sumusunod:
- Dismiss the case kung walang probable cause.
- Issue a Warrant of Arrest kung may necessity na ikulong ang akusado.
- Issue a Summons (imbis na Warrant) kung light offense lang ang kaso.
📜 Hack #2: Kailan ba "No Warrant Needed"?
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan ng papel para mang-aresto. Tandaan ang "Three Legitimate Warrantless Arrests":
- In Flagrante Delicto: Nahuli sa mismong akto ng krimen.
- Hot Pursuit: May krimen na kakayari lang, at ang humuhuli ay may personal knowledge na ang taong ito ang gumawa nun.
- Escaped Prisoner: Takas sa kulungan o hospital habang serving sentence o pending trial.
Ngayong nasa korte na, nag-iiba na ang tawag natin sa mga bida base sa 2024 DOJ Rules:
- Complainant - Sila pa rin ang nag-file, pero ang biktima ay tinatawag na ngayong Private Offended Party.
- Respondent - Official na siyang tinatawag na ACCUSED kapag may Information na sa korte.
Under Rule IV, Sec. 7, ang technology ay friend natin:
- Ang mga hearings para sa pag-determine ng necessity ng warrant ay maaari ring gawin via video conferencing.
- Mas mabilis na ang coordination sa pagitan ng Prosecution at Korte dahil sa digital shifts ng 2024 rules.
Kapag tinanong ni Prof: "Can the Judge rely solely on the Prosecutor's report to issue a warrant?"
Hack Answer: NO. The Judge must personally evaluate the resolution AND the supporting evidence to determine if there is a necessity to place the accused under custody.
Sources: Rule IV, Sec. 8, DOJ DC 15 (2024),Rule IV, Sec. 7, DOJ DC 15 (2024)
No comments:
Post a Comment