Thursday, February 19, 2026

Regular PI vs. Inquest (2024)


Maraming law students ang nalilito rito: "Atty, kailan ba nagiging Inquest ang isang kaso?" Ang pinaka-simpleng sagot ay nakadepende sa kustodiya ng respondent.

Ito ang CrimPro Hack comparison para mas madaling maintindihan:

Regular Preliminary Investigation (PI) 
  • Ang respondent ay  hindi arestado.
  • Nagsisimula sa pag-file ng isang formal Complaint-Affidavit.
  • Ang respondent ay bibigyan ng 10 days para mag-file ng Counter-Affidavit.
  • Pwedeng hindi muna personal na humarap ang respondent sa investigating prosecutor basta mag-file ng Counter-Affidavit.
  • Ang goal ay i-determine kung may prima facie evidence with reasonable certainty of conviction para sampahan ng Information sa korte.

Inquest
  • Ang respondent ay arestado nang walang warrant (warrantless arrest).
    • Hinuli sya dahil "caught in the act" na gumagawa ng krimen. Ang tawag dito ay in flagrante delicto arrest;
    • Hinuli sya dahil sa "hot putsuit", meaning na kakapangyari lang ng crime at ang officer ay may probable cause na maniwala—base sa kanyang personal knowledge ng mga facts—na ang taong aarestuhin ang siyang may kasalanan. 
    • Kapag ang tao ay isang presong tumakas mula sa kulungan o habang nililipat ng lugar, habang pinagsisilbihan ang kanyang final judgment o habang naka-detain temporarily.
  • Nagsisimula ang inquest kapag ang respondent ay dinala sa Prosecutor pagkatapos ng isang warrantless arrest.
  • Mabilisan o summary ang proseso; kailangang mag-decide agad kung valid ang paghuli.
  • Main goal: Bukod sa ebidensya, tinitingnan muna kung valid ang warrantless arrest bago mag-decide kung kakasuhan ang respondent sa korte. 
💡 EASY LAW RECIT-READY HACK:

Q: Pwede bang maging Regular PI ang isang Inquest case?
A: YES! Kung gusto ng respondent na mag-file ng Counter-Affidavit para depensahan ang sarili, pwede niyang hilingin na i-convert ang Inquest into a Regular PI. Pero ang kapalit nito, kailangan niyang pirmahan ang Waiver under Article 125 of the RPC para manatili siya sa loob habang nag-i-investigate ang Prosecutor.

Q: Ano ang commonality nila under the 2024 Rules?
A: High-Tech na tayo! Parehong Regular PI at Inquest ay maaari nang gawin via video conferencing basta't may access ang lahat ng parties sa kailangang teknolohiya.

Sources: Rule IV, Sec. 8, DOJ DC 15 (2024); Rule IV, Sec. 7, DOJ DC 15 (2024)

No comments:

Post a Comment

TABLE OF CONTENTS

  Preliminary investigation Counter-affidavit - The respondent's shield Regular preliminary investigation vs. inquest Arrest and inquest...